Para sa Akin
by: Gary Granada
Kahit di ka mapansin-pansin ng karamihan
At maari’y sa tingin nila’y pangkaraniwan
Bakit ba sa wari ko ay kaiba-iba
Sa buong mundo ikaw ay kaisa-isa
Ang alam ko lang mahal ikaw ay para sa akin
Ang sagot ng maykapal sa aking panalangin
At likha ka niyang sadyang laan sa buhay ko
Gaya ng ako’y para sa iyo
Para sa akin, ang mas mahalaga
Tayo ay para sa isa’t isa
Basta sa akin, mahal kitang talaga
Habang buhay, tiyak at tunay kang makaaasa
Ila’y saking mga mata ay kabighabighani
At sa puso ko, sinta sadyang katangi-tangi
Ikaw lang ang pagka-ibigin, tunay kang para sa akin
Gaya ng ako’y para sayo
