Kapag Sinabi Ko Sayo
by: Gary Granada
Kapag sinabi ko sayo
Na ika’y minamahal
Sana’y maunawaan mo na ako’y isang mortal
At di ko kayang abutin
Ang mga bituin at buwan
Di ko kayang sisirin
Perlas ng karagatan
Kapag sinabi ko sayo
Na ikay iniibig
Sana’y maunawaan mo na ako’y taga daigdig
Kagaya ng karamihan
Karaniwang karanasan
Dala dala kahit saan
Pang araw-araw na pasan
Ako’y hindi romantiko
Sayo’y di ko matitiyak
Na pag ako’y kapiling mo
Kailan ma’y di ka iiyak
Ang magandang hinaharap
Sikapin nating maabot
Ngunit kung ‘di pa maganap
Sana’y wag mong ikalungkot
Kapag sinabi ko sayo
Na ika’y sinisinta
Sana’y ibigin mo akong mulat ang ‘yong mga mata
Ang kayamanan kong dala
Ay pandama’t kamalayan
Natutunan sa iba
Na nabighani sa bayan
Halina’t ating pandayin
Isang malayang daigdig
Upang doo’y payabungin
Isang malayang pag-ibig
Kapag sinabi ko sa’yo
Na ika’y sinusuyo
Sana’y yakapin mo ako
Kasama ang aking mundo
