Hanapin Mo ang Kalooban Niya


Kahit na ang dulot mong pag-ibig
Ay walang kasing tamis
Ang lahat ng kanyang ikaliligaya
Ay iyong ninanais
Puso mo’y nabibigo pa rin
Nabibigo pa rin
Ang puso mo’y nasasawi pa rin

Koro:
Di pala sapat ang mahal kita
Maging ang kailangan ka
Kung ikaw ay iibig
Kailangan kang manalig
Kung ikaw pala’y magmamahal
Samahan mo ng dasal
Ipasa-Diyos ang iyong pagpapasya
At hanapin mo ang kalooban N’ya

Yeahhh
Ohhh

Tinatanong mo ang iyong sarili
Kung saan ka nagkamali
Alam mo namang taos sa iyong puso
Nilaan mong pagtangi
Kahit na lahat ay ibinigay
Lahat ay ibinigay
Di matitiyak ang tagumpay

(Ulitin ang Koro)

Tulay:
Ang tunay na ligaya
At wagas na pag-ibig
Makakamit mo rin
Makakamit mo rin
Wooohhhh…

contributed by: Hernan(busther3329abcc)