Hesus


Kung nagiisa at nalulumbay
Dahil sa hirap mong tinataglay
Kung kailangan mo ng daramay
tumawag ka at siya'y naghihintay

(chorus)
Siya ang iyong kailangan
Sandigan, kaibigan mo
siya ang araw mong lagi
at karama'y kung sawi
siya ay si Hesus sa bawat sandali

Kung ang buhay mo ay walang sigla
laging takot at laging alala
tanging kay Hesus makaaasa
Kaligtasan lubos na ligaya

(chorus 2)
Siya ang dapat tangapin
at kilanlin sa buhay mo
Siya noon, bukas, ngayon
Sa dalangin mo'y tugon
Siya ay si Hesus sa habang panahon

Kaya't ang lagi mong pakatatandaan
Siya lang ang may pagibig na tunay
pag-ibig na tunay
pag-ibig na tunay

Siya ang dapat tangapin
at kilanlin sa buhay mo
Siya noon, bukas, ngayon
Sa dalangin mo'y tugon
Siya ay si Hesus (3x)
sa habang panahon